Search
No title
- grey
- May 30, 2017
- 1 min read
Gusto ko sanang magbilang, baka pwedeng pakinggan mo kahit saglit lang? Sisimulan ko na sa pagbibilang ko ng isa, dalawa, hanggang tatlo, bibilang ako. Bibilangin ko ang mga araw na masaya tayo, sa mga pagkakataong palaging bitin ang oras, sa mga tawanan at kulitan na may kasamang asaran, lahat yan bibilangin ko. Lahat ng pinagsamahan natin iingatan at pahahalagahan ko kasi magkaibigan tayo. Pero kapag umabot na ng apat, lima, anim hanggang sampu ang pagbibilang ko, ayoko ng magtago at baka sabihin ko na kung ano ang totoo. Totoo na mahal na mahal talaga kita, at hindi ko na kaya. At pasensya ka na, dahil sa simula palang ng pag bibilang ko, minahal na kita.

Comments