lauv
- lauv
- May 29, 2017
- 1 min read
Nandito na naman ako, humihingi ng sensyales na ultimo buong buhay ko dito nakadepende lahat ng desisyong gagawin ko. Tila hindi na ako natututo, na sa lahat naman ng hinihingi ko, sinasampal ako't ginigising sa katutuhanang wala palang tayo. Masakit parin isipin na ako lang pala yung nagpapahalaga, na sa bawat salita na mula sa puso at lumabas sa bibig ko ay pinanindigan ko, pero paano yung sayo? Hanggang salita nalang ba ang aabutan ko, na sa bawat takbo ng oras ito ay nagbabago? Na parang mga damit na kapag hindi na uso bibili ka ng bago? Ganyan nalang ba kamura ang halaga ko sa'yo? Tutal wala pala'ng tayo, ano ang karapatan ko para kuwestunin ka ng ganito. Ang saklap kasi ikaw yung natipuhan ko, na kahit alam kong sa simula palang mali na ang maging tayo.
Comments