INFANT O IIWAN MOKO?
- lynepot
- May 30, 2017
- 3 min read
Itago niyo nalang ako sa pangalang Lyne. I'm 16 yrs old and SHS student from Tarlac province. Nakilala ko si Jp (hindi niya tunay na pangalan) Noong Fiesta namin. Kinuha niya number ko through facebook. Then nagkatext kami! Nung magkita kami masyado kong jinudge ang itsura niya kase hindi siya kagwapuhan tulad ng inaakala ko. Ilang days din ang makalipas hindi naku nagpaparamdam until one day parang namimiss ko kakulitan niya. Si jp ay simpleng tao , matiyaga , mabait at walang bisyo kung ihahalintulad mo sa ibang lalaki. Nung nakilala ko siya 2nd college siya from osias , criminology ang course niya and he is 19 yrs old nung una naming pagkakakilala. Niligawan niya ako for 1month then sinagot ko na siya (march 06 2016 ). That day sobrang saya namin. Pero hindi ko inaakala na magbrebreak kami (April 01 2016) He broke my heart. Ilang months akong nagmove on dahil sakanya ko naranasan ang maging masaya . Binibigay niya lahat ng gusto ko ! Pero bigla akong napaisip kung mahal ko ba talaga siya o pera lang habol ko sakanya. Hanggang sa nakilala ko si chad nalove at first sight ako sakanya pero biglang nagbago ang ihip ng hangin na para bang hindi ko alam kung mahal ko ba si chad oh si past ko. After two months binreak ko si chad para makipagbalikan kay Jp then naging kami ulit. Naging masaya kami Travel dito travel diyan. Pero kami yung tipo na Away bati At break balikan. Hanggang sa ako na ang gumagawa ng paraan para magbalikan kami oo ako na ang naghahabol. Nagbreak kami two months after parang gusto ko nanaman siyang balikan . Yes tama ka ng nabasa mo gusto ko siyang balikan Feb 14 2017 pinapunta ku siya sa bahay namin para maging legal na kami ( oo as in legal pero walang kami nun kase feb 15 ko siya balak sagutin) Then eto nanaman naging kami ulit. Marami nanamang surprises ang naganap sa relationship namin maeffort kaseng lalaki si jp kung icocompare mo sa iba. Hanggang sa dumating yung araw na parang nagbabago na siya! Tinatanong niya ako " Babe , gusto ko nang prove"? , "Anong prove?" Sagot ko. "Prove para hindi na tayo magkahiwalay diba gusto mo ako na yung mapangasawa mo gawa na tayo ng infant or baby naten". Oo ang sagot ko pero sabi ko sakanya bata pa tayo jp diba nangako tayo sa isat isa na sa tamang panahon pa naten gagawen yan. Ilang weeks din namin naging topic yan. Ilang araw na pabago bago ang sagot may time na papayag ako sa gusto at may time na hindi. Hanggang sa dumating yung araw na pinagpili niya ako!!! "Pagbibigyan mo ba ako sa gusto mo iiwan kita?" Yan ang tanong niya mahal ko siya ayaw ko siyang iwan simula nung makilala ko siya, siya na ang naging buhay at inspirasyon ko. Pero hindi ko naman kayang ibigay sa kanya ang hinihingi hindi ko kayang ibigay ang virginity ko naiiyak naku that time hanggang sa nabuo na ang pasya ko na iiwan kuna siya. Kahit masakit kailangan kung gawen yun kase ayokong masira ang tiwala ng parents ko at parents niya sa aken. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya pero hindi ko kayang ibigay ang hinhingi niya kaya mas pipiliin ko nalang ang masaktan. -Salamat sa pagbabasa
-lynepot
Comments