MAGKABILANG MUNDO
- lauv
- May 29, 2017
- 2 min read
Isang kwento na iniiwasan ng marami, isang pangyayari na ang karamihan ay nasasawi. Mga balakid na nauuwi sa mapuot na pangyayari, sa kadahilanang ayaw mailayo sa kinagisnan at mali ang magawi. Teka, parang ang kwentong ito ay parang sa atin, mali, ito palang kwentong ito ay para sa atin. Ang lungkot diba, ganyan din ako noong una. Sa unang pagalis at unang pagpapaalam sa isat isa. Hindi man sa paghihiwalay dahil wala ng tayo, kundi naghiwalay sa kadahilanang kailangan mo na talagang umalis. Sobrang hinagpis ang dulot nito sa akin sapagkat buong araw at gabing lumuluha ng palihim. Habang humihikbi na dala ng bigat ng damdamin, nangalugmok ako sa pangungulila at sa nakasanayang andiyan ka palagi. Milyon na milya ang pagitan natin, mula sa bundok na lalakbayin at karagatang tanging barko lang ang kayang tumawid at kung sa himpapawid ay eroplano, maiparating lang ang mga hiling na sana'y ikaw ay bumalik. Subalit ang tanging sana na kahilingan ay ipinagkait, sapagkat sa realisasyong hindi ka na pwedeng bumalik. Tuluyan ng natanggap ang mga pangyayari at nilandas na ng magisa at nagpatuloy ng hindi ka kasama, hanggang sa ikaw ay muling nagparamdam, "Hello kamusta ka na" at muling pumatak ang luha at muling napawi ang ngiti sa pagkaulila. Ang pagtahak sa ibang dereksyon na hindi ka kasama, ay maikukumpara natin sa isang talasalitaan, na alam ang salita subalit hindi alam kahulugan, tulad ng nagagawa nating pasukin ang mga bagay na sa pagkakaalam natin ay tama pero sa katunayan ito ay mali at isa sa mga nagiging rason nito ay siyang panandaliang paghihiwalayan. Subalit hindi tayo perpekto kaya natututunan nating magpatawad, inaamin ang kasalanan at aakuhin muli ang responsibilidad. Isa tayo sa mga taong nangungulila , nagkakandarapa at gutom sa presensya. Malayo man tayo sa isat isa, bitbit natin ang mga rason kung bakit tayo nananatili at hindi magiging rason ang distansiya para sumama lang sa iba. Talagang mapaglaro ang tadhana, maraming lubak at hindi mo alam kung kailan ang patag at deretsong landas. Marahil lalandasin nating magkahiwalay, pero sa huli nasa atin parin nakasalalay.

Comments